Warning: A bit rant and Tagalog / English language.
How I lose 60,000 pesos from Dust Attack on my Crypto wallet. Risk of being the only person in your household invested in Crypto and rest are just normal people.
Last week June 13th I lost 60,000 pesos. I did not blame anyone, I sucked it all up dahil alam ko may mali ako, I'm not paying attention sa transactions na ginagawa ko. Sana lang huwag nila ako sinusungitan sa EVERYTIME may tanong lang ako or nakikipag usap ako sa kanila.
Dust attack/scheme/scams
1. Scammers poison an address by sending little amount of coin or worthless NFT into the particular wallet that they want to monitor
2. It is actually not a fake transaction but sometimes a small amount that is refer to as dust amount most at times cannot be spend but if the price should increase you can spend the coin just like other coins.
3. They wish capitalize on the potential victim negligence, such that the victim can copy their address when sending out coins instead of there’s, this mostly happens to people that copy address from transaction history.
4. Yes it can affect just any wallet because the hacker just simply sends bitcoin or other coin to the intended address which is not wallet specific. But for wallets like electrum where you can use multiple addresses and also coin control you can simply just freeze that address and continue using other addresses not like some wallets were you have only one address to use.
The type of address that the hacker will create will depends on how he wants, he can try as much as possible to even reduce the difference to just 2 characters, this type of address are mostly vanity addresses. But still it is not changing the address the victim is the one copying the wrong address.
What happened to me?
This...
"They wish capitalize on the potential victim negligence, such that the victim can copy their address when sending out coins instead of there’s, this mostly happens to people that copy address from transaction history."
It's the time of the week na may workload ako, tapos may mga gawaing bahay pa akong iniintindi. Imagine ikaw na nagwowork para sa mga tao dito, pakiramdam mo pa na obligasyon mo sa buhay na pag silbihan sila. Take note, bawal tong post ko para sa kanila nanu-numbat ka na. Pero kahit kailan never mo naman na ramdam na appreciated ka nila, lalo na pag nag THANK YOU sila na alam mo naman na plastik.
Workload (problem ko sa work ako lang ang mamomroblema).
Multi-projects sideline (I'm not joking, I'm handling multiple projects, dapat bantayan kasi pag hindi ko nasustain at napabayaan ko para na rin ako nag sayang ng oras). Inisip agad nila, parang laro lang tong ginagawa ko, baka nga iniisip pa nila wala ko kinikita dito.
Oo may mga tao talaga, specially, may mga lalaki rin talaga na hindi nag lalaro ng ML pag naka CP, minsan nag hahanap buhay din sila gamit CP.
Oo may mga tao talaga, specially, may mga lalaki na nagamit ng laptop or computer na hindi naman FB ang ginagawa, hindi nakikipag chat at nalandi sa ibang babae, hindi puro laro lang ang ginagawa, Oo tanggapin nyo rin meron din ginagamit ang laptop sa pag hahanap buhay.
Oo may mga tao talaga, na kapag nakita mo natataranta na sa dami ng ginagawa at iniisip, ibig sabihin nun seryoso sila umangat sa buhay. Hindi sila basta basta tatanga tanga lang. Natataranta sila dahil sa TOXIC environment na kapag di ka kumilos agad sa inuutos nyo ay tamad na agad or walang pakialam or walang naririnig.
Gas lighting...
Parang hindi sila naniniwala na madami akong iniisip, iniintindi, pinagdaraanan.
Parang hindi ako dapat pwede mag complain or kahit maglabas manlang ng sama ng loob.
Parang ako lang magisa sa laban ko sa buhay. Pero dapat kasama nila ako sa mga problema nila at pinagdaraanan nila.
Nakakasawa na, ang gusto ko lang naman tratuhin din nila akong importante sa buhay nila.
I get easily distracted, pero sila kahit simple question, GALIT AGAD. Hindi mo sila pwede tanungin or kausapin.
Ano ba mawawala sa kanila, EXP sa nilalaro nila? Daily quest nila sa nilalaro nila? Yung isa bawal istorbohin kasi it's either hindi nya maiintindihan ang pinapanood nya, or distracted sya sa tsismis na binabasa nya sa FB. Yung isa bawal maistorbo kapag may nag dourbell kasi naiistorbo sa paglalaro.
TAPOS Magugulat ka na lang, babaliktarin ka pa na parang ikaw ang ayaw magpaistorbo, kahit na ginagawa mo na ang lahat, mapagsilbihan mo lang sila, end up nito, nanumnumbat na naman ako, kahit 10 years mahigit na wala naman sila naririnig saakin.
Again I'm saying, hindi ko gusto maistorbo dahil lang sa trip ko pero parang ganun feeling na binibigay ninyo saakin. Pero pag ako magtanong lang ng mga simpleng tanong, ang pakiramdam ko na agad napaka pabigat ko sa inyo, napaka istorbo ko agad sa mga ginagawa nyo.
Treatment lang sana na, kung sila ayaw nila maistorbo sa mga walang KWENTANG bagay na pinaglalaanan nila sa oras nila, sana isipin manlang nila na ako din naman, totoong pera at oras ko nasasayang.
Mabuti sana kung hindi naman totoo pinagsasasabi ko, palagi ko pa nga napapatunayan. Magugulat ka nalang na ang kwento nila sa ibang tao, sila lang ang pagod, sila lang ang stress, sila lang lahat ang nahihirapan.
Wala rin sense pagusapan ang problema dito sa bahay, iiyakan ka lang nila, kasi alam nila na maawa ka sa kanila. Pero pag ikaw na ang umiiyak dahil sa stress, dahil sa toxic treatment nila sayo, makikita mo sa pagmumukha nila na parang (nababaliw na yata ito? so ano ibig nyo sabihin? napakasarap ng buhay ko dito bakit ako iiyak na walang dahilan? Wala ba ako karapatan mahirapan sa pinaggagawa nyo saakin, emotional torture na to).
Kagaya nito, Na-biktima ako ng wallet poisoning, ito ay isang problema sa crypto na hindi ka naman inaatake kaagad, pero pag natapat na busy ka or wala ka sa wisyo or distracted ka sa paglipat ng pera mo, pwede mo maclick ang ibang wallet address hindi sayo dahil may mga wallet address na sa wallet mo na naga-attempt at naghihintay lang na magkamali ka.
paano ko ike-kwento sa kanila na nawalan ako ng 60000 pesos dahil distracted ako sa mga pinag u-uutos nila? Palalabasin lang naman na kesyo tatanga-tanga ako kahit na biktima ako ng Dust attack.
I have to pretend that I'm Okay dahil kahit anong gawin mo, hindi ka nila naiintindihan.